Mariing kinundena ng pamunuan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) Press Club ang ginawang pananambang sa isang photo journalist at dalawa pang kapatid at pamangkin sa harap mismo ng kanyang bahay sa No. 82 Corumi Street Barangay Masambong Quezon City.
Ayon kay NCRPO Press Club President Lily Reyes, nakikipag-ugnayan na sila sa pamilya at mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) upang malaman ang motibo at kung sino ang nasa likod ng pamamaril.
Pinagbabaril ng mga hindi pa kilalang suspek si Rene Joshua Abiad, 37 photo journalist ng pahayagang Remate ay nagtamo ng dalawang tama ng bala ng baril sa katawan gayundin ang dalawa pang kapatid nito at pamangkin na sina Renato Abiad Jr., 41 anyos at 8 taong gulang at 4 na taong gulang.
Batay sa inisyal na imbestigasyon ng QCPD, nangyarj ang insidente dakong alas-3 ng hapon kahapon mismo sa harap ng bahay ng photo kung saan papasok na sana ng bahay sila Abiad lulan ng kanilang sasakyan nang lapitan at pagbabrilin ng mga suspek pagkatapos ay sumakay sa kulay silver na Toyota Vios tumakas patungong Del Monte Avenue QC kung saan naispatan din sa CCTV footage na mayruong back up na motorsiklo ang mga suspek.
Nagsasagawa na ng malalimang imbestisgasyon ang QCPD para malaman ang motibo ng pananambang sa isa namang kasapi ng media.