Pananambang sa mga estudyante ng elementarya sa Kiblawan, Davao Del Sur – patuloy na iniimbestigahan

Davao Del Sur – Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa pananambang ng mga bandidong B’laan sa mga estudyante ng Kimlawis Elementary School sa bayan ng Kiblawan, Davao Del Sur.

Napag-alamang dumalo ang nasa 30 estudyante sa tatlong araw na tribal festival at nang pauwi na ay dito na sila pinagbabaril ng mga bandido.

Isa ang naitalang dead on arrival sa Davao Del Sur Provincial Hospital habang walo naman ang mga sugatan.


Sinasabing armado ng m16, m14 at isang carbine ang nasa sampung suspek nang gawin nila ang pananambang.

Facebook Comments