Nagbigay-liwanag sa Pangasinan Capitol ang Christmas Lighting Ceremony ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na ginanap noong Disyembre 12, 2025, na dinaluhan ng maraming Pangasinense.
Tampok sa programa ang makabuluhan at makahulugang mga pagtatanghal na nakasentro sa kapanganakan ng Panginoong Hesukristo.
Sa pamamagitan ng awit, sayaw, at dramatikong presentasyon, muling ipinaalala sa publiko ang tunay na diwa ng Pasko bilang panahon ng pananampalataya at pag-asa.
Dinagsa ng mga pamilya at kabataan ang Kapitolyo at sabay-sabay na nasaksihan ang pagsisindi ng mga makukulay na Christmas lights, na sinundan ng fireworks display na nagbigay-sigla sa pagdiriwang.
Isa sa mga tampok ng gabi ang pagtatanghal ng 48 parol na sumisimbolo sa 48 bayan at lungsod ng lalawigan ng Pangasinan at kumakatawan sa pagkakaisa ng mga komunidad sa pagdiriwang ng Pasko.
Binigyang-diin din ng aktibidad ang mensahe ng pag-asa sa kabila ng mga kalamidad at pagsubok na naranasan ng lalawigan sa buong taon, paalala na sa gitna ng mga hamon ay nananatiling gabay ang liwanag ng pananampalataya at pagkakaisa.








