Manila, Philippines – Umakyat na sa 45 mga deboto ang nahihilo kung saan karamihan ay mga Senior Citizen na nanggagaling pa sa iba’t- ibang lalawigan.
Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo pumalo na sa 16,500 na mga mananampalataya ng poong itim na Nazareno na dumagsa sa Quirino Grandstand upang makahalik sa paniwalang gumaling ang kani-kanilang mga karamdaman at marinig na rin ang kanilang mga panalangin sa poong Hesus Nazareno.
Paliwanag ni Margarejo mayroong mga nakakalat na Medics at wheelchairs sa mga matatanda na nahihirapang lumakad sa haba ng pila sa Quirino Grandstand.
Halos hindi maipaliwanag ang kaligayahan ng mga deboto na nakahalik sa itim na Nazareno kung saan napawi umano ang kanilang mga pagod,gutom at uhaw dahil sa natupad na nila ang kanilang minimithi na makahalik sa paanan ni poong Hesus Nazareno.