Inihayag ni House Speaker Martin Romualdez na naibalik na ang peace and order sa Negros Oriental matapos ang pagpaslang kay Governor Roel Degamo kung saan ilan pa ang nadamay at nasawi.
Kaugnay nito ay nanawagan si Speaker Romualdez sa mamamayan ng Negros Oriental na manatiling kalmado dahil on top of the situation si Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Ayon kay Romualdez, inatasan na ng pangulo ang mga awtoridad na tutukan ang kaso at tiyaking mapapanagot sa batas ang mga salarin upang mabigyan ng hustisya ang pagpatay kay Gov. Degamo at iba pang biktima.
Facebook Comments