Pananatili ng liquor ban sa Maynila, suportado ng MPD

28

Malaking tulong sa Manila Police District (MPD) ang pananatili ng liquor ban sa Maynila.

Ayon kay MPD Director Police Brig. Gen. Rolly Miranda, mas mainam na may liquor ban para maiwasan ang paglabag sa community quarantine ng mga residenteng nasa ilalim ng impluwensya ng alak.


Maaari rin aniyang pagmulan ng krimen ang alak kapag hindi na nakontrol ang mga lasing na residente.

Una nang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno na hindi niya prayoridad ang pag-alis ng liquor ban sa lungsod.

Facebook Comments