Pananatili ng mabagal na internet connection sa bansa, pinuna ni Senator Marcos

Binatikos ni Senador Imee Marcos ang tila hindi pagbibigay ng prayoridad ng pamahalaan para maisayos ang mabagal na internet connection sa bansa ngayong nahaharap ang buong mundo sa sinasabing ‘new normal’ bunsod ng COVID-19 pandemic.

Dahil dito ay nananawagan si Marcos sa Department of Information and Communications Technology (DICT) na mag-level up na dahil ito ang hinihiling ng panahon.

Inungkat pa ni Marcos ang pagpasok ng ikatlong telco player na tila natabunan na.


Giit ni Marcos sa gobyerno, iprayoridad rin ang digital infrastructure gaya ng pagbibigay importansya sa public works at transportation projects sa ilalim ng Build, Build, Build program.

Binigyang diin ni Marcos na mas magiging matagumpay ang gobyerno sa contact tracing, online education, E-commerce at E-jobs, at maging pagresolba ng krimen at mga eleksyon sa hinaharap kung mapahuhusay ang digital infrastructure ng bansa.

Facebook Comments