Pananatili ng martial law sa Mindanao, iginiit ni Sen. Ejercito

Manila, Philippines – Iginiit ni Senator JV Ejercito na hindi dapat alisin ang umiiral na martial law sa buong Mindanao kahit napatay na ang dalawang lider ng Maute terror group na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.

Katwiran ni Ejercito, nagsasagawa pa ng clearing operations ang tropa ng pamahalaan at dapat pang tiyakin na wala ng natitirang terorista sa Marawi City.

Diin pa ni Ejercito, masaya ang mamamayan ng mindanao sa umiiral na batas-militar dahil hinahadlangan nito ang pamamayagpag ng mga warlord at private armies.


Buo din ang paniniwala ni Ejercito na makakatulong ang martial law para pag-ibayuhin ang kapayapaan, kaayusan at pagsusulong ng kinakailangang economic development sa Mindanao.

Facebook Comments