Pananatili ng PECO sa power distribution sa Iloilo, kinatigan ng SC

Hindi pinayagan ng Korte Suprema ang pag-take over ng grupo ni businessman Ricky Razon sa power distribution assets ng Panay Electric Company (PECO).

Sa resolution ng Supreme Court (SC), bigo ang MORE Electric and Power Corporation na makakuha ng temporary restraining order o TRO at writ of preliminary injunction na pipigil sa kautusan ng Mandaluyong Regional Trial Court na nagdedeklarang labag sa batas ang ginawang expropriation and take over ng MORE sa electric distribution assets ng PECO.

Alin sunod sa Republic Act of 11212, binigyan ng prangkisa ang MORE upang makapag-distribute ng kuryente sa Iloilo City.


Sa ilalim ng Section 20 at 17 ng nasabing batas binigyan din ng karapatan ang MORE na magamit ang kapangyarihan sa eminent domain sa lahat ng distribution assets and properties ng PECO sa franchise area.

Gayunman, idineklara ng Mandaluyong RTC ang Section 10 and 17 na walang bisa at labag sa batas lalo na at paglabag ito sa karapatan ng PECO sa due process and equal protection of the law.

Nilinaw din sa desisyon na hindi obligasyon ng PECO na ibenta ang kanyang assets at wala ring karapatan ang MORE na i-expropriate ang assets’ ng PECO.

Bunga ng desisyon ng Korte Suprema, hindi na maaaring ituloy ng MORE ang expropriation sa asset ng PECO.

Facebook Comments