Pananatili ng pondo para sa fuel subsidy at libreng sakay programs, dapat manatili sa 2023 budget

Iginiit ni House Speaker Martin Romualdez na dapat manatili sa 2023 national budget ang pondo para sa “fuel subsidy” at “Libreng Sakay Program” ng Department of Transportation (DOTr).

Tiniyak ni Romualdez na kailangan ito ng mamamayan kaya ipaglalaban ng Kamara sa Bicameral Conference Committee na syang pumaplantsa sa 2023 National Budget na nagkakahalaga ng P5.268 trillion.

P5.5 billion ang inilaang alokasyon ng Kamara sa Pantawid Pasada Fuel Program sa susunod na taon habang P2 billion naman sa Libreng Sakay Program at P1 billion para sa paglalagay ng mga bike lanes.


Diin ni Romualdez, ang nabanggit na mga alokasyon ay bahagi ng P77 billion institutional amendments na ginawa ng Mababang Kapulungan para sa pro-people programs sa ilalim ng pambansang pondo sa susunod na taon.

Facebook Comments