Pananatili sa bahay ng mga hindi bakunado, posible – Malakanyang

Hindi man sa ngayon pero hindi malabo na ipatupad ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte kagabi sa kanyang talk to the people na pababalikin ng mga otoridad sa kanilang tahanan ang mga hindi bakunadong indibidwal dahil ang mga ito ay maituturing na ‘walking spreader’

Ayon kay Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque ang naiisip kasi ni Pangulong Duterte ay kung paano magpapatuloy na bukas ang ating ekonomiya lalo na kung kailangan na talagang ipatupad muli ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) o lockdown sa kalakhang Maynila.

Ani Roque, maaari na kapag nag-ECQ muli ay payagan pa rin makapaghanapbuhay ang mga fully vaccinated nang sa ganon ay kakaunti lamang ang magugutom.


Sinabi pa ng kalihim na kabahagi ng stratehiya ng pamahalaan ang pagkamit sa population protection na posibleng mangyari bago matapos ang taong kasalukuyan.

Aniya, habang parami ng parami ang mga nababakunahan, palapit naman ng palapit ang containment.

Kung kaya’t kapag na-contain na ang virus sa National Capital Region o NCR Plus na tinaguriang kuta ng COVID-19 ay baka doon na ipatupad ang pagbabawal sa paglabas ng mga hindi bakunadong indibidwal.

Facebook Comments