Kasunod na rin ito ng pagdagsa ng mga tao sa mga tabing ilog para maligo at magpicnic lalo na ngayong panahon ng Summer.
Sa naging panayam ng 98.5 iFM Cauayan kay PLT Scarlette Topinio, tagapagsalita ng PNP Cauayan, nakikiusap ang buong pamunuan ng PNP na iwasan na munang maligo o magpicnic sa mga tabing ilog para maiwasan ang pagkalunod o anumang hindi inaasahang insidente.
Isa aniya ang ilog sa tututukang babantayan ng kapulisan katuwang ang Rescue 922, POSD, CDRRMO, BFP, KAAKIBAT CIVICOM at mga brgy officials dahil sa madalas kasing pinupuntahan ng mga tao tuwing summer at Mahal na Araw.
Mahalaga rin aniya ang kooperasyon ng mga barangay officials sa pagmonitor sa mga kababayan dahil sila pa rin aniya ang unang reresponde kung sakaling may naitalang untoward incident.
Bukod naman sa mga ilog, tutukan din ng ating mga otoridad ang mga resorts, simbahan, parke, Mall at maging ang pangunahing lansangan sa Lungsod ng Cauayan para may tutugon agad kung sakaling may naitalang krimen o di kanais nais na pangyayari.
Lalong babantayan ng maigi ng ating mga law enforcers ang walong barangay sa Lungsod na malapit sa ilog Cagayan tulad ng Alicaocao, Andarayan, Bugallon, Duminit, Daburab, Guayabal, Sta Luciana at Gappal.
Mag iikot din ang kapulisan sa mga malalayong lugar para tiyakin na ligtas ang paggunita ng mga Cauayeño sa Huwebes at Biyernes Santo, Sabado De Gloria at sa Linggo ng Pagkabuhay.
Samantala, maigting rin ang paalala sa mga motorista o mga nagbabalak bumiyahe na laging siguraduhin na nakakondisyon ang minamanehong sasakyan ganun na rin ang sarili para maiwasan ang aberya sa daan o aksidente.