Walang katiyakan kung walang mangyayaring paggalaw sa presyo ng bigas at iba pang bilihin sa panahon ng Pasko.
Ayon kay Bureau of Plant Industry (BPI) Director Gerald Glenn Panganiban na batay sa karanasan at kasaysayan, palagi namang ganito ang sitwasyon sa tuwing dumarating ang panahon ng Pasko.
Gayunman, tiniyak ni Panganiban na magbabantay ang Department of Agriculture (DA), Department of Trade and Industry (DTI) at Department of the Interior and Local Government (DILG) sa presyo ng bigas at mga bilihin sa mga palengke.
Paglilinaw naman ni Panganiban na hindi nila nakikita na dapat magtaas sa presyo ng bigas dahil may sapat namang suplay hanggang sa pagtatapos ng taon.
Matatandaang kahapon ay opisyal nang binawi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang Executive Order No. 39 o ang price ceiling sa bigas.
Hindi pa masabi ni Panganiban sa ngayon kung ano ang agarang epekto nito sa mga pamilihan.
Facebook Comments