Nagkasundo ang Pilipinas at Amerika na limitahan ang bilang ng Afghan nationals na nananatili sa Pilipinas bilang transit sa pagproseso ng kanilang visa para sa Special Immigrant Visas (SIVs) and resettlement sa Estados Unidos.
Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), susuportahan ng U.S. government ang pangangailangan ng Afghans habang sila ay nasa Pilipinas.
Kabilang dito ang pagkain, tirahan, security, medical, at transportasyon habang sila ay nagpo-proseso ng kanilang visa.
Nilinaw din ng DFA na ang naturang kasunduan ay kasalukuyang sumasailalim sa final domestic procedures.
Una nang nilinaw ng DFA na hindi refugees ang Afghan nationals na nasa Pilipinas.
Facebook Comments