Pananatili sa serbisyo ni Nuezca sa kabila ng mga naging kaso nito, kinuwestyon ni Robredo

Kinuwestyon ni Vice President Leni Robredo kung bakit hindi pa tinatatanggal sa serbisyo si Police Senior Master Sergeant Jonel Nuezca sa kabila ng mga kinaharap nitong patong-patong na kaso noon.

Bago ang insidente noong December 20, si Nuezca ay sinampahan na ng anim na kasong administratibo.

Dalawa sa mga ito ay grave misconduct dahil sa kasong homicide noong 2019 na parehong na-dismiss dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya.


Kinontra rin ni Robredo ang pahayag ng mga kaalyado ng administrasyon na isang isolated case ang nangyaring walang habas na pamamaril sa mag-ina sa Paniqui, Tarlac.

Ayon sa Bise Presidente, bahagi lang ito ng isang “architecture of impunity”

Kasabay nito, nanawagan ang bise presidente ng hustisya sa pamilya Gregorio at sa reporma sa hanay ng PNP.

Facebook Comments