Pananatiling libre ng COVID-19 vaccine, hiniling ng isang kongresista

Hiniling ni Ang Probinsyano Party-list Representative Alfred delos Santos na panatilihing libre ang primary doses at booster shots ng COVID-19 vaccine.

Apela ito ni Delos Santos sa gitna ng mungkahi na magkaroon na ng bayad ang pagpapabakuna laban COVID-19 dahil binawi na ng World Health Organization (WHO) and deklarasyon ng global public health emergency.

Katwiran ni Delos Santos, subsidized ang acquisition at storage costs ng mga bakunang kontra COVID kaya marapat lang na manatiling libre pa rin.


Hinggil dito ay hinikayat ni Delos Santos ang Department of Health at Department of the Interior and Local Government na pa-igtingin ang pagbabakuna lalo na sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 2.

Diin ni Delos Santos, malinaw sa weekly bulletins na inilalabas ng DOH na dahil sa bakuna ay wala ng naitatalang nasasawi dahil sa COVID-19 bagama’t muling tumataas ang mga tinatamaan nito sa bansa.

Facebook Comments