Manila, Philippines – Hindi na umaasa si Presidential Adviser for the Peace Process Secretary Jesus Dureza na magbabago pa ang pananaw ng CPP-NPA-NDF sa ipinatutupad at inaasahang palalawiging Martial Law sa Mindanao.
Ito ay sa harap narin ng kautusan ng NPA sa kanilang mga tauhan na magsagawa ng pag-atake laban sa mga sundalo at pulis dahil narin sa plano ng administrasyon na palawigin pa ang Martial Law hanggang sa katapusan ng taon.
Ayon kay Dureza, hindi na dapat ito ikagulat dahil alam naman ng lahat na matagal nang kontra ang mga rebelde sa Martial Law at hindi na aniya nila inaasahan na magbabago ang posisyon ng mga ito.
Kaugnay niyan ay kinondena ng Palasyo ng Malacanang ang engkwentro na nangyari sa pagitan ng mga miyembro ng Presidential Security Group at New People’s Army sa Arakan North Cotabato kung saan 4 na PSG ang nasugatan.