Pananaw ni Attorney Larry Gadon na iligal ang paggagawad ng Provisional Authority ng NTC sa isang media network na may pending application para sa renewal, kinontra ng DOJ

Nanindigan ang Department of Justice o DOJ sa kanilang posisyon sa usapin ng pagkakaloob ng Provisional Authority sa isang media network na may mapapaso nang prangkisa.

Ito ay matapos kontrahin ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang pananaw ni Attorney Larry Gadon na iligal ang paggagawad ng provisional authority ng National Telecommunications Commission o NTC sa isang media network na may pending application para sa renewal ng prankisa.

Nilinaw ni  Secretary Guevarra na na hindi maituturing na direktang pag-uutos ng lehislatura sa NTC ang liham ng House Of Representatives at ang resolusyon ng senado na nagpapahayag ng sentimyento na maaring mag-isyu ang NTC ng provisional authority para makapagpatuloy na makapagbroadcast ang ABS-CBN kahit abutan pa ng expiration ang prangkisa nito sa May 4, 2020 .


Sinabi ng Kalihim na hindi naman inoobliga ng Kongreso at Senado ang NTC na sundin ang nilalaman ng kanilang sulat at resolusyon na agad-agad itong maglabas ng permit para sa extension ng prangkisa ng network.

Ginawa ng Kalihim ang naturang mga pahayag matapos na maghain ng Petition for Prohibition sa Supreme Court si Attorney Larry Gadon na humihirit ng tro sa implementasyon ng posibleng permit na ipagkakaloob ng ntc para sa extension ng prangkisa ng TV network.

Gayunman, sinabi ng Kalihim na bukas sila sa naging paghahain ni Attorney Gadon ng petisyon sa Supreme Court dahil maraming mga tanong ang masasagot.

Facebook Comments