Pananaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kaugnay sa kontrobersyal na pagbisita ni House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan, ibinahagi kay US Secretary of State Antony Blinken

Napag-usapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at US State Secretary Antony Blinken ang pananaw nito sa ilang mga isyu kabilang na ang kontrobersiyal na pagbisita ni House Speaker Nancy Pelosi sa Taiwan at mga kalapit na bansa.

Ayon sa pangulo, bagama’t hindi siya naniniwala na tumaas ang tensiyon sa Asia-Pacific Region, ipinakita lang nito ang intensity ng matagal ng hidwaan sa lugar.

Kaugnay nito, sinabi ng pangulo na nasanay na ang Pilipinas sa ganitong sitwasyon at mas pinipili nang bansa na isantabi na lamang ito.


Binigyang-diin naman ng pangulo sa pagbisita ni Blinken ang halaga ng magandang relasyon sa pagitan ng Amerika at Pilipinas.

Umaasa si Marcos na magpapatuloy ang magandang ugnayan ng Pilipinas at Amerika sa harap ng mga nararanasang pagbabago sa bilateral relationship ng Pilipinas sa US.

Nabanggit din ng pangulo kay Blinken ang mga tulong na ibinibigay ng Amerika sa Pilipinas simula pa noong mga nagdaang panahon.

Kaya naniniwala si Marcos na hindi basta-basta mapuputol ang ugnayan ng dalawang bansa dahil sa special relationship na mayroon ang US at Pilipinas na pinagtibay ng mga napagdaanan nang kasaysayan.

Facebook Comments