PANATA | 31 deboto, sugatan sa isinagawang prusisyon ng Itim na Nazareno

Quiapo, Manila – Umabot na sa tatlumpu’t isang deboto ang nasugatan sa isinagawang prusisyon ng Itim na Nazareno sa Quiapo, Maynila.

Karamihan umano sa mga deboto ay nagtamo ng minor injuries habang ang iba ay hinimatay at nahilo dahil sa pagtaas ng blood pressure.

Agad naman silang ginamot ng mga nakatalagang medical team sa paligid ng Quiapo.


Alas dos ng madaling araw kanina nang simulan ang prusisyon na nilahukan ng libu-libong deboto.

Facebook Comments