Kasunod ng utos ng Palasyo ng Malacañang na isama ang pagbigkas ng Bagong Pilipinas Hymn at Panata sa Bagong Pilipinas sa kanilang lingguhang flag ceremonies ay sabay-sabay na binigkas ng mga miyembro ng Philippine National Police (PNP) ang panata sa Bagong Pilipinas.
Ito’y sa isinagawang flag raising ceremony ngayong araw ng Lunes sa Camp Crame.
Pinangunahan ito ni Deputy Chief PNP for Administration PLtGen. Emmanuel Peralta.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, hindi nakadalo si PNP Chief PGen. Rommel Francisco Marbil sa flag raising ceremony dahil sa prior commitment.
Sinabi ni Fajardo na maliban sa punong tanggapan sa Kampo Krame, sabayan ding binigkas ang Panata ng Bagong Pilipinas sa mga himpilan ng pulisya sa buong bansa.