PANATANG VISITA IGLESIA, DINAGSA NG LIBO LIBONG MGA DEBOTO

Libo libong mga deboto ang dumagsa sa ilang mga simbahan sa lalawigan ng Pangasinan bilang bahagi ng kanilang panata sa paggunita ng Semana Santa ngayong taon.
Bukod sa mga misang nag-umpisa ng ika-2 ng Abril, dinagsa ng mga debotong Katoliko ang Alay Lakad at ang Visita Iglesia na pagdalaw sa iba’t-ibang simbahan sa lalawigan.
Isa sa higit na dinayo ang Minor Basilica of Our Lady of the Rosary of Manaoag na sinigurado naman ng lokal na pamahalaan dito ang full alert status na makapagsisiguro ng kaligtasan ng mga taong dadagsa.

Hanggang sa Linggo ng pagkabuhay o ang Easter Sunday ay nanatiling libo libo ang dumagsa sa mga Minor Basilica sa lalawigan ng Pangasinan upang sabay sabay na ipagdiwang ang pagkabuhay ng Hesus at ang kanyang pangakong isinakatuparan upang maligtas ang buong sanlibutan. |ifmnews
Facebook Comments