Sinuportahan ni AGRI Party-list Rep. Wilbert Lee ang panawagan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) at mga lokal na opisyal ng Batangas, Oriental Mindoro at Marinduque na ideklara ang Verde Island Passage o VIP bilang protected area.
Pangako ni Lee, maghahain siya ng panukalang batas para sa ‘protected status’ ng VIP upang masiguro ang pangangalaga rito na tinukoy bilang sentro ng world’s marine biodiversity.
Ang VIP ay tahanan ng mahigit sa 300 coral species, 170 fish species, at libu-libong marine organisms gaya ng mga pating at pawikan.
Tinukoy ni Lee na umaasa rin sa VIP ang tinatayang mahigit sa dalawang milyong indibidwal para sa kanilang paghahanap-buhay at ito ay napatunayan nang maapektuhan ng oil spill ang lugar mula sa paglubog ng MT Princess Empress.
Ikinalungkot ni Lee na kabilang ang VIP sa mga lugar na naapektuhan ng malawakang oil spill na dulot ng MT Princess Empress na lumubog sa Oriental Mindoro.