Panawagan na magbitiw ang Chairman ng Komite na dumidinig sa franchise renewal ng ABS-CBN, hindi suportado ng mga Kongresista

Hindi suportado ng mga miyembro ng House Committee on Legislative Franchises ang panawagan ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na magbitiw si Legislative Franchises Chairman Franz Alvarez dahil sa hindi pagusad ng panukala para sa ABS-CBN franchise renewal.

Ayon kay House Committee on Legislative Franchises Vice Chairman Antonio Albano, naniniwala siya na hindi sinusuportahan ng mga myembro ng Komite ang rekomendasyon ni Atienza.

Sa katunayan aniya, hardworking at maaasahan si Alvarez bilang Chairman ng Komite.


Giit ni Albano, ginagawa ni Alvarez ang lahat para dinggin ang mga panukala para sa legislative franchises.

Hindi lang naman aniya ang ABS-CBN ang bukod tanging nag-a-apply ng prangkisa na dapat dinggin ng Komite.

Tiniyak din ni Albano sa publiko na tatalakayin ng Komite ang usapin sa prangkisa ng ABS-CBN dahil nakamonitor ng maigi dito ang kanilang Chairman.

Facebook Comments