Panawagan ng European Union na mapalaya si De Lima, binatikos ng liderato ng Senado

Manila, Philippines – Binatikos nina senate President Koko Pimentel at Majority Leader Tito Sotto III ang panawagan ng European Union o EU na palayain si Senator Leila De Lima.

 

Giit ni Pimentel, dapat alamin ng European Union kung saan ang tamang lugar nito sa mundo dahil wala itong karapatan na makisawsaw sa pangyayari sa ating bansa.

 

Mensahe pa ni Pimentel sa EU, atupagin nito ang kanilang sarili sa halip na diktahan ang Philippine Senate kung sino ang dapat mamuno sa mga komite nito.

 

Payo ni Pimentel sa EU, mag-soul searching ito dahil lumampas ito sa limitasyon ng simpleng paghahayag lang sa ng saloobin o opinyon.

 

Tinawag naman ni Senator Sotto na arogante ang EU dahil sa pakikialam sa Pilipinas.

 

Giit ni Sotto sa European Union, tayo ay isang demokratikong bansa na may mga batas na sinusunod at may gumaganang judicial processes.

 

Bunsod niyo ay iginiit ni Sotto sa ating embahada sa EU Capital na maghain ng Note Verbale of Protest at ipaliwanag ng buo ang kaso ni Senator De Lima.

 

Paliwanag ni Sotto, dapat itong gawin ng Department of Foreign Affairs upang hindi isipin ng EU na pwede tayong basta na lang nilang apihin.

Facebook Comments