Panawagan ng Human Rights Watch na palayain si Senadora Leila de Lima sakaling maging pangulo ng bansa si Senador Lacson, ibinasura ng senador

Naninindigan si presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson Jr., na hindi maaaring palayain si Senadora Leila de Lima sakaling palarin siyang maging pangulo ng bansa sa darating na halalan.

Ayon kay Lacson, hindi umano pwedeng palayain ng pangulo ang isang nakakulong dahil sa warrant of arrest, tanging ang korte lamang ang maaaring magpalaya sa senadora, sa pamamagitan ng pagbibigay ng piyansa o pagpapalaya dahil wala umano ito sa kapangyarihan ng isang presidente.

Giit ni Lacson, paiiralin pa rin nito ang hustisya sa bansa, kung saan wala siyang kinikilingan maging mayaman o mahirap man basta’t nagkasala sa batas ay pananagutin.


Facebook Comments