Nirerespesto ng Philippine National Police o PNP ang opinyon ng ilang sektor sa panawagang ituloy ng International Criminal Court (ICC) ang imbestigasyon sa drug war ng gobyerno.
Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Roderick Augustus Alba na sa kabila naman ng pagpapatigil ng ICC ng kanilang imbestigasyon, tuloy pa rin naman ang imbestigasyong ginagawa ng Department of Justice (DOJ) kaugnay nito.
Aniya, buo ang tiwala ng PNP sa DOJ sa kanilang pagrebisa ng mga kasong may kinalaman sa iligal na droga na hinawakan ng PNP.
Matatandaang boluntaryong nag-turn over ang PNP sa DOJ ng 53 case folders ng mga police Anti-drug Operations kung saan may mga nasawi, para ma-review.
Ayon kay Col. Alba, inaasahang isasapubliko ng DOJ ang kanilang findings kapag matapos na ang imbestigasyon.