Panawagan ng mga mamamayan laban sa korapsyon, ipinahayag sa rally sa Iligan City

Maayos na nagtapos ang isinagawang prayer rally kahapon, Nobyembre 30, sa lungsod ng Iligan.

Dinaluhan ang naturang aktibidad ng religious sector kasama ang ilang civic organizations, kung saan nagmartsa ang grupo mula Post Office patungo sa City Public Plaza.

Nanawagan ang Simbahan ng transparency at accountability kaugnay ng mga iniimbestigahang kaso ng korapsyon sa bansa.

Ayon kay Abel Moya, Chairman ng Iligan City People’s Council, sa pamamagitan ng naturang rally ay ipinarating ng mamamayan na hindi mananahimik ang Iligan sa mga hayagang kaso ng korapsyon sa bansa.

Samantala, nagsagawa rin ng hiwalay na rally ang mga progresibong grupo upang kondenahin ang nagaganap na korapsyon.

Kabilang sa lumahok ang Kabataan Partylist, Akbayan, at iba pang samahan.

Nanawagan sila para sa pagbibitiw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Bise Presidente Sara Duterte.

Ayon sa Kabataan Partylist, hangga’t walang pananagutan mula sa matataas na lider at opisyal ng pamahalaan, mananatili ang paulit-ulit na korapsyon sa bansa.

Facebook Comments