Welcome para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang payo ni dating House Speaker at Taguig Representative Alan Peter Cayetano na huwag tumakbo sa pagkabise presidente sa susunod na eleksyon.
Matatandaang sinabi ni Cayetano na hindi dapat ipursige ni Pangulong Duterte ang vice presidential bid dahil mas makakasama lamang ito sa kanyang “legacy.”
Sabi ni Cayetano na dapat maging “elder statesman” na lamang si Pangulong Duterte tulad ni dating Pangulong Fidel Ramos.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, handang makinig si Pangulong Duterte sa lahat ng opinyon.
Pero sinabi ni Roque na wala pang inilalabas na pasya si Pangulong Duterte sa posible niyang kandidatura sa pagkabise presidente.
Si Cayetano ay running mate ni Pangulong Duterte noong 2016 elections.