Panawagan ni Cong. Pantaleon Alvarez sa AFP na bawiin ang suporta kay PBBM, wala sa lugar – Sen. Estrada

Iginiit ni Senator Jinggoy Estrada na “uncalled for” o wala sa lugar ang ginawang panawagan ni Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez sa Hukbong Sandatahan na kumalas ng suporta kay Pangulong Bongbong Marcos.

Sinabi ni Estrada na Chairman ng Senate Committee on National Defense and Security na mahusay na hinaharap ni Pangulong Marcos ang problema sa West Philippine Sea at masigasig ito sa pagpapalakas ng alyansa sa iba’t ibang mga bansa sa pinakahuling trilateral meeting sa pagitan ng US at Japan.

Pinatutunayan lamang ng mga hakbang ng pangulo na determinado ito na protektahan ang teritoryo at soberenya ng bansa at wala ni isang kapirasong teritoryo ang ipauubaya sa China.


Dahil walang nangyayari sa pakikipag-usap sa China ay bumabaling ang presidente sa mga bansang kaalyado nito.

Samantala, nakahanda naman si Estrada na magpatawag agad ng pagdinig sakaling sa kanyang komite mapunta ang resolusyon na nagpapaimbestiga sa secret deal o gentleman’s agreement sa pagitan ni dating PRRD at ng gobyerno ng China.

Facebook Comments