Panawagan ni Pangulong Duterte sa pagbuo ng Boracay development body, pinuri ng DOT

Naniniwala ang Department of Tourism (DOT) na ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na ipasa ang panukalang batas na bumubuo sa Boracay Island Development Authority (BIDA) ay isang matibay na deklarasyon ng pamahalaan sa pagsusulong ng sustainable at responsible tourism.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, dapat lamang mapanatili ang linis at ganda ng isla.

Binigyang diin ng kalihim na mahalaga ang pagtatatag ng oversight body para sa Boracay.


Mahalagang hindi masayang ang anim na buwang rehabilitasyon sa isla.

Naniniwala si Puyat na pwede ring ikonsiderang magkaroon ng ganito ring panukala sa iba pang tourism areas sa Pilipinas.

Nabatid na naghain si DUMPLER PTDA Party-list Representative Claudine Diana Bautista ng House Bill 6285 nitong Pebrero kung saan ipinapanukala ang BIDA National Office na magsisilbing attached agency ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang bersyon nito sa Senado o Senate Bill no. 17 ay iniakda ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.

Facebook Comments