Monday, February 2, 2026

Panawagan ni PBBM na magtanim ng puno laban sa pagbaha at climate change, sinimulan na sa Bohol

Tumugon ang Department of Environment and Natural Resources (DENR), National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), at ilang lokal na pamahalaan sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na magtanim ng mas maraming puno bilang proteksyon laban sa pagbaha at epekto ng climate change.

Lumagda ang mga ahensya sa isang Memorandum of Agreement (MOA) para sa pagtatayo at pangangalaga ng 243-ektaryang forest plantation sa Bohol na tatapusin sa loob ng tatlong taon.

Layunin ng proyekto na maibalik ang forest cover ng lalawigan, magsilbing panangga laban sa soil erosion, at makatulong sa pag-iwas sa mga sakunang dulot ng matinding pag-ulan.

Ayon kay NGCP President at CEO Anthony Almeda, bahagi ito ng kanilang suporta sa mga programang nakatuon sa reforestation at environmental sustainability, gayundin sa mga inisyatibo ng local government units (LGUs) para sa kalikasan.

Kaugnay rin ng proyekto, nauna nang naipatayo ng NGCP ang Cebu-Bohol Interconnection Project na nagbibigay ng mas matatag na suplay ng kuryente sa lalawigan.

Facebook Comments