Panawagan ni PBBM na proteksyunan ang mga magsasaka at patatagin suplay ng pagkain, matutugunan ng Crop Insurance bill

Inihain ni Leyte 1st Rep. Ferdinand Martin Romualdez ang panukalang tutugon sa panawagan ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na palakasin ang proteksyong ibinibigay sa mga lokal na magsasaka at patatagin ang suplay ng pagkain sa bansa.

Ito ay ang House Bill No. 14 o ang Crop Insurance bill na naglalayong palakasin at palawakin ang serbisyo ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) at hikayatin ang mas aktibong pakikibahagi ng pribadong sektor sa agricultural insurance.

Sa ilalim ng panukala ay palalawakin ang saklaw ng PCIC hindi lamang sa mga tradisyunal na pananim gaya ng palay at mais, kundi pati na rin sa high-value crops, livestock, aquaculture, farm machinery, at maging post-harvest infrastructure.

Nakakatiyak si Romualdez na pangunahing makikinabang dito ang maliliit na magsasaka na kadalasang hindi na kumukuha ng insurance dahil sa kakulangan ng impormasyon, red tape o mahabang proseso, at mababang benepisyo.

Facebook Comments