Panawagan ni retired General Antonio Parlade para sa revolutionary government, tinawag na “reckless” ni DILG Secretary Eduardo Año

Sinopla ng kaniyang kapwa retired general at ngayon ay kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na si Eduardo Año ang panawagan kahapon ni retired General Antonio Parlade, Jr. para sa isang revolutionary government.

Ayon kay Secretary Año, reckless at careless ang panawagan ni Parlade dahil mahigit isang buwan na lang ay magpapalit na ng bagong mga lider sa bansa.

Ani Parlade, bagama’t nirerespeto niya ang right to free speech ni Parlade, dapat na mag-ingat ito sa pananalita.


Dagdag ng kalihim, mayroon namang kaukulang legal mechanisms para idulog ang kaniyang mga hinaing.

Tiniyak ni Año na ang mga ahensya sa ilalim ng DILG gaya ng Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ay nanatiling tapat sa chain of command.

Hinikayat ng DILG chief ang mga LGUs na dedmahin ang panawagan ni Parlade at ituloy ang paghahatid serbisyo sa publiko.

Facebook Comments