Panawagan para alisin na ang public health emergency, premature pang maituturing ayon sa isang senador

Premature pa para kay Health Committee Chairman Christopher Bong Go kung aalisin na ang public health emergency sa bansa bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay Go, hintayin muna ang resulta ng mga pag-aaral at magiging rekomendasyon ng mga health experts kung panahon na ba para i-lift ang public health emergency.

Tiwala naman ang mambabatas na kung sakaling alisin na ang public health emergency ay ibabase ito sa ‘good science’.


Sinabi ni Go na may dulot din na advantage ang ‘state of public health emergency’ dahil agad-agad ay mailalabas at magagamit ang kinakailangang pondo para tugunan ang problema sa COVID-19.

Aniya pa, habang pinag-aaralan pa ito ng mga eksperto ay patuloy pa ring mag-ingat ang publiko dahil naririyan pa rin ang sakit sa gitna ng pagluwag ng health protocols ngayong holiday season.

Facebook Comments