Panawagan sa China na itigil na ang ilegal na mga hakbang sa West Philippine Sea, dapat i-akyat na ng gobyerno sa United Nations

Iminungkahi ni House Deputy Majority Leader at ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo sa pamahalaan na iakyat na sa United Nations ang panawagan sa China na itigil ang ilegal na mga hakbang sa West Philippine Sea.

Ang nabanggit na hirit ay nakapaloob sa House Resolution No. 1767 kung saan hinihikayat ni Tulfo ang Department of Foreign Affairs o DFA na mag-sponsor ng resolusyon sa United Nations General Assembly (UNGA) para patigilin ang patuloy na paglabag ng China sa batas.

Ang resolusyon ni Tulfo ay alinsunod sa UN Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) at sa 2016 ruling ng Permanent Court of Arbitration gayundin sa pagnanais ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., na maresolba ang problema sa WPS sa pamamagitan ng dayalogo at diplomasya.


Para kay Tulfo, marapat lamang na igiit ng DFA sa pandaigdigang komunidad ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea at palakasin ang diplomatic efforts upang makuha ang suporta ng buong mundo laban sa unlawful acts ng China.

Facebook Comments