Panawagan sa pagrepaso sa Gun Control Law sa Amerika, lalo pang lumakas

Amerika – Pinabibilisan ng National Rifle Association ng Amerika sa mga mambabatas ang pagrepaso ng kanilang Gun-Control Law.

Kaugnay ito ng naganap na Las Vegas mass shooting na ikinamatay ng limampu’t siyam na tao at ikinasugat ng mahigit limang daan iba pa.

Ilan sa mga nais nilang isama sa batas ay ang pagbabawal sa mga rapid fire device o mga baril na puwedeng maging fully-automatic rifles.


Simula sa Oktubre a-kinse, alas-onse na ng umaga ang bukas ng mga mall habang extended naman ang kanilang sara sa alas-onse ng gabi.

Ito ang napagkasunduan ng mall owners at Metropolitan Manila Developemnet Authority bilang paghahanda sa nakaambang matinding traffic na idudulot ng mga dadagsa sa mall para sa christmas shopping.

Tulad ng mga nakaraang taon, bawal pa rin ang mall sale tuwing weekdays, simula sa Nobyembre.

Facebook Comments