Panawagang huwag bigyan ng election duties ang mga gurong miyembro ng ACT, pag-aaralan ng COMELEC

Manila, Philippines – Pag-aaralan ng Commission on Elections (COMELEC) ang panawagan ni dating Tao Muna Party-list Rep. Mohammad Omar Fajardo na idiskwalipika ang mga gurong miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) na humawak ng election duties sa midterm elections.

Una rito, sinabi ni Fajardo na maitturing na partisan ang paninilbihan ng mga miyembro ng Act bilang board of election inspectors lalo’t maraming makakaliwa ang tumatakbo sa halalan.

Pero sabi ni COMELEC Spokesperson James Jimenez – nakabatay sa Selection Service Reform Act (SESRA) ang pagpili nila sa mga gurong maninilbihan sa eleksyon.


Sa ilalim nito, ang pagkilala lamang sa guro ay kung nagtuturo ito sa pampubliko o pribadong paaralan.

Tiniyak din ni Jimenez na pagdating sa pagpili ng mga gurong maninilbihan sa eleksyon, bulag ang batas sa grupong kinaaaniban ng mga guro o sa ideolohiyang kanilang ipinaglalaban.

Facebook Comments