Ipinanawagan ng mga kawani ng Tondaligan Beach Park Administration sa mga nagpupunta ng beach na sana ay alagaan ang mga sand bags na inilalagay sa baywalk.
Ayon kay Jhun Cadiz, ang Tondaligan Park administrator ng lugar na ang mga sandbags na ito raw ay pinaghirapan umano ng kanyang mga kawani na nagsisilbing barrier o panangga para hindi matabunan ng buhangin ang kahabaan ng baywalk kung saan isa ito sa inaalagaan dahil kabilang ito sa magandang pasyalan sa Tondaligan Beach
Pakiusap ng nabanggit na administrasyon na sana raw ay alagaan, pahalagahan at ingatan umano ang mga sand bags na inilalagay sa tabi ng baywalk sa lugar.
Samantala, kahit na opisyal ng idineklara ng PAGASA ang pagsisimula ng tag-ulan sa lalawigan ay marami pa rin ang nagpupunta sa lugar dahil tila uhaw ang mga beach goers na makakita at makapasyal sa beach dahil sa ipinatupad na strict quarantine noong nakaraang taon kung kaya’t ngayon na medyo na maluwag na ay kanila ding sinasamantala ang pamamasyal sa lugar.