Panawagang ikonsidera ang kasong kriminal laban sa gurong nagbigay pabuya para patahimikin si Pangulong Duterte, muling ibinasura ng Olongapo City court

Muling ibinasura ng Olongapo City court ang apela ng National Bureau of Investigation (NBI) na ikonsidera ang pagbabasura sa inihaing kasong kriminal laban sa isang guro na nag-alok ng pabuya sa sinumang makakapatay kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Acting Provincial Prosecutor Leonardo Santos, maninindigan siya sa kaniyang desisyon na ibasura ang kaso laban kay Ronnel Mas dahil sa kakulangan ng mga ebidensiya.

Ito na ang pangatlong pagkakataon na ibinasura ang kaso.


Si Mas ay naaresto noong Mayo ng nakaraang taon matapos ang Twitter post nito kung saan may alok umano siya na P50 million sa sinumang willing na pumatay kay Pangulong Duterte.

Agad namang ibinasura ng Olongapo City court ang kaso makalipas ang ilang buwan dahil maituturing itong invalid.

Muli namang nagsampa ang NBI ng konsiderasyon sa kaso ngunit ibinasura ulit ito nitong Pebrero.

Facebook Comments