Panawagang irekonsidera ang pagbawisa mining deal moratorium, sinopla ng DENR

Hindi tinanggap ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang panawagan ng mga environmental groups sa pamahalaan na irekonsidera ang desisyon nito na bawiin ang moratorium para sa mining agreements.

Ayon kay Environment Undersecretary Jonas Leones, kailangan ng mapagkukunan ng pondo para matugunan ang ilang problemang kinakaharap ng bansa.

Ang pondo aniya ay mapupunta sa COVID-19 response, pagbibigay ng ayuda sa mga apektadong mamamayan.


Iginiit ni Leones na dumaan sa malalimang diskusyon ito mula sa iba’t ibang ahensya bago nagbaba ng pinal na desisyon.

Facebook Comments