Panawagang pagbibitiw ng police colonels at generals, idinepensa ng isang kongresista

Buo ang suporta ni Surigao del Norte Representative at House Committee on Dangerous Drugs Chairman Robert Ace Barbers sa panawagan ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na maghain ng courtesy resignation ang police colonels at generals.

Sa tingin ni Barbers, tama ang hakbang na tinatahak ni Secretary Abalos upang linisin ang hanay ng ating kapulisan laban sa iligal na droga.

Kumbinsido si Barbers na mayroon talagang kakaunting police officers ang maaring pasok sa illegal drug trade.


Ipinaliwanag ni Barbers na bagama’t walang ebidensya na nag-uugnay sa senior police officers sa drug trade, ay malakas naman ang impormasyong umiikot na mayroong mga aktibong opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang konektado umano sa operasyon ng iligal na droga.

Facebook Comments