Panawagang political truce at respeto ni P-Duterte, tinabla ni Sen. Trillanes

Manila, Philippines – Hindi kinagat ni Sen. Antonio Sonny Trillanes IV ang panawagan ni Pangulong Rodrigo Duterte political truce o tigil ng bangayan sa pulitika at pagrespeto sa kanya mandato.
 
Ayon kay Trillanes, nirerespeto nila ang mandatong ipinagkaloob ng taongbayan kay Pangulong Duterte.
 
Pero hindi aniya ito ang basehan para palusutin ang mga krimen na kinasangkutan ng pangulo.
 
Kabilang sa mga pagkakasalang ginawa ni Pres.  Duterte na tinukoy ni Trillanes ay ang utos nitong pagpatay umano sa mga radio broadcasters na sina Jun Pala at Fred Sotto;
 
Pagkakamal ng ill-gotten wealth o tagong yaman mula sa korapsyon na halos 2-bilyong piso.
 
Pagsasagawaw ng krimen laban sa sangkatauhan sa pamamagitan ng brutal nitong polisiya kung saan 8-libong mahihirap na aniya ang nasasawi.


Facebook Comments