Inilunsad kamakailan ng Umingan Rural Improvement Club ang dalawang masustansyang bersyon ng pancit canton, ito ang Kalabasa Canton at Mikilunggay Noodles na gawa mula sa kalabasa o karabasa at malungay, mga gulay na kilala sa taglay nitong bitamina at mineral.
Layunin nito na mapataas ang antas ng nutrisyon ng pancit habang pinananatili ang paboritong lasa at makatulong sa mga batang pihikan pagdating sa gulay. Maaaring piliin ni Nanay ang tradisyonal na pancit na tuyo gamit ang Kalabasa Canton, o kung ang nais ay may sabaw, maaaring ihain ang Mikilunggay.
Bukod sa kalusugan, inaasahang magbubukas din ito ng mas maraming oportunidad sa kabuhayan lalo na sa aspeto ng sustainable livelihood at lokal na inobasyon sa agrikultura.
Ang proyekto ay patunay na sa simpleng pagkain gaya ng pancit, maaaring magkaroon hindi lamang ng mahabang buhay kundi isang masiglang komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









