Panday, arestado sa pangmomolestiya ng 8-anyos babaeng naglalaro sa hardin

(Adobe stock image)

DUBAI, UAE – Arestado ang 33-anyos na panday sa pangmomolestiya sa 8-anyos babaeng naglalaro noon sa hardin ng kanilang tinutuluyang bahay.

Sa pagdinig sa korte nitong Huwebes, sinabing dalawang beses inabuso ng akusado ang bata sa loob mismo ng tinitirhan nito sa Al Muraqabbat area noong Marso.

Sa salaysay ng ina ng biktima, nangungupahan daw sila sa isang kwarto ng bahay na tinitirhan ng iba ring tenant kabilang na ang suspek.


Ayon dito, noong araw na mangyari ang insidente, sinundan ng lalaki ang anak na noo’y nagtungo sa kusina para kumain.

Saad nito, “I followed them into the kitchen, upon which he apologized and left.”

Nakainom daw noon ang suspek habang naiwang balisa ang kanyang anak, ngunit iginiit daw nito na walang ginawang masama ang lalaki.

Matapos ang 30 minuto ay muli niyang kinausap ang bata kung saan niya nalaman ang ginawang pang-aabuso nito sa menor de edad.

Binalaan daw itong huwag magsusumbong sa kanyang mga magulang.

Pero isang araw bago mangyari ang insidente ay una nang ginawa ng suspek ang krimen habang naglalaro ang bata sa hardin.

Sinampahan na ng reklamong sexual abuse at illegal consume of alcohol ang suspek.

Magaganap naman ang susunod na pagdinig sa Agosto 24 at mananatili sa kustodiya ng Dubai police ang suspek.

Facebook Comments