Pandemic effect advertisement ng Belo Medical Group, inulan ng batikos mula sa netizens

Inulan ng batikos ang inilabas na pandemic effect video advertisement ng Belo Medical Group.

Ayon sa netizens, masydong insensitive at upsetting ang nasabing video ad kung saan ipinapakita nito ang ‘worst version’ ng isang indibidwal ngayong pandemya dahil sa pagkakaroon ng maraming tigyawat, eyebags, hindi pagse-shave ng mga buhok sa katawan at paglaki ng katawan.

Say pa ng isang business woman/ influencer, hindi pandemya ang dahilan ng lahat ng ito kundi ang society’s beauty standards na ine-exploit ang insecurities ng mga kababaihan.


Habang tinawag pa ng ilan na ignorante at isang uri ng body shaming ang nilalaman ng nasabing patalastas.

Dahil dito, naglabas ng pahayag ang Belo Medical Group na humihingi ng tawad dahil sa mga pagkakamaling hindi nila nakita.

Inalis na rin ng grupo ang nasabing advertisement.

Facebook Comments