Pandemic fatigue, itinuturong dahilan ng DOH sa mababang bilang na nagpapaturok ng COVID-19 booster

Itinuturong dahilan ng Department of Health (DOH) ang pandemic fatigue bilang sanhi ng mababang bilang ng nagpapaturok ng COVID-19 booster shot.

Ibig sabihin ng pandemic fatigue ay ang kumpiyansa ng publiko sa unang dalawang dose ng bakuna at tila naka-move on na sa virus.

Sinabi ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na nakadagdag din sa mababang booster coverage ay ang hindi pag-require ng booster shot sa taong papasok sa mga establisiyimento at pampublikong transportasyon.


Kailangan pa kasing pag-aralan aniya ang mga implikasyon kung sakaling baguhin ang depinisyon ng fully vaccinated.

Ayon kay Vergeire, posible kasing malito lalo ang publiko kapag ito ay baguhin lalo na at patuloy ang pagbubukas ng ekonomiya sa bansa.

Facebook Comments