Pandemic relief and restructuring program para sa mga miyembro nitong baon sa utang, inilunsad ng SSS

Naglunsad ang Social Security System (SSS) ng pandemic relief and restructuring program na layong makatulong sa kanilang mga miyembro na baon na sa utang.

Ayon kay Pedro Baoy, Senior Vice President ng SSS, ito na ang pagkakataong maipu-fully paid na ang loan ng kanilang mga miyembro para hindi na ito magbunga ng maraming penalty at interest.

Sa ilalim ng programang ito, hindi na kailangang bayaran ang mga naipong penalty.


Sa mga hindi naman nabayarang short-term loan tulad ng salary loan, calamity loan at emergency loan maging ang housing loan at mga restructured loan mula sa 2016 hanggang 2019, kailangan na lang bayaran ang principal at interest nito.

Maaaring magbayad ng full time payment o half nito na babayaran sa loob ng anim hanggang 12 buwan.

Maliban dito, may penalty condonation program din para sa mga employer o household na hindi nakabayad ng kontribusyon ng mga empleyado dahil sa epekto ng pandemyang dulot ng COVID-19.

Facebook Comments