Panel, bubuuin na para sa kaso ni Kian Loyd delos Santos

Manila, Philippines – Pinag-aaralan ng Prosecutor General ang pagbuo ng panel na hahawak sa imbestigasyon sa kaso ng pagpatay kay Kian Loyd delos Santos.

Ayon kay Justice Undersecretary Erickson Balmes, maaaring maglabas ng order ang Prosecutor General para sa pagbuo ng 3-man panel ng prosecutors.

Nilinaw naman ni Balmes na otomatikong hindi magkakaroon ng papel sa papel si Justice sec. Vitaliano Aguirre II at maging ang tanggapan ng kalihim.


Una nang Iginiit ni Aguirre na hindi siya makikialam sa preliminary investigation sa kaso ng pagpatay kay Kian at sa halip ang DOJ prosecutors ang siyang mangangasiwa sa imbestigasyon sa nasabing kaso.

Facebook Comments