Panel interview sa mga aplikante para sa posisyon ng Ombudsman, itinakda na ng JBC

Manila, Philippines – Nagtakda na ang Judicial and Bar Council (JBC) ng petsa para sa panel interview ng mga kandidato sa mababakanteng posisyon ng Ombudsman.

Ang panayam ay itinakda sa June 20, 2018 kung saan siyam na mga aplikante ang sasalang sa pagtatanong ng mga myembro ng JBC.

Sa umaga ng nabanggit na petsa, sasalang sa panel interview si Labor Secretary Silvestre Bello III; Sandiganbayan Associate Justice Efren Dela Cruz; Atty. Edna Batacan; Atty. Rey Ifurung at Atty. Rainier Madrid.


Sa hapon, nakatakda namang sumailalim sa pagtatanong si Supreme Court Associate Justice Samuel Martires; Dating Sandiganbayan Presiding Justice at kasalukuyang Special Prosecutor ng Ombudsman na si Edilberto Sandoval; Atty. Felito Ramirez at Atty. Rex Rico.

Aplikante rin para sa posisyon si Davao Regional Trial Court Judge Carlos Espero pero hindi na siya sasalang sa panel interview ng JBC dahil may bisa pa ang huling panayam sa kanya noong June 14, 2018 nang siya ay mag-aplay para sa posisyon ng Supreme Court Associate Justice.

Ang mahihirang na bagong ombudsman ay magiging kapalit ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales na magreretiro na sa July 26, 2018.

Facebook Comments